METRO MANILA – Pinayagan man ng Inter-Agency Task Force Against Covid-19 ang pagbubukas ng ilang recreational sites maging sa mga lugar na nasa General Community Quarantine.
Hindi pa rin pabor dito ang ilang mayor sa Metro Manila.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin sang-ayon ang mga ito na buksan ang mga sinehan at arcades sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro hindi pa ito napapanahon.
“Sa Marikina City patuloy na sarado ang mga sinehan, mga arcade. Ayon na rin to sa executive order na aking inilabas at kasalukuyan at patuloy na ipinatutupad. Dahil naniniwala ako na ang virus ay hindi pa rin nawawala at ang Covid-19 cases ay patuloy na tumataas dito sa lungsod ng Marikina” ani Marikina Mayor Marcelino Teodoro.
Ganito rin ang desisyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Pero si Taguig City Mayor Lino Cayetano, papayagan na ang unti-unting pagbubukas ng recreational establishments kaakibat ang palagiang pagsusuot ng facemask bilang bahagi ng new normal.
“Pag tayo nagkaroon ng behavioral change kung sanay na tayo may mask, may shield kung kailangan, may distansya lahat pwede na nating gawin. So we are slowly or incrementally opening up para makapag handa tayo sa new normal” ani Taguig City Mayor Lino Cayetano.
Samantala, si Quezon City Mayor Joy Belmonte naman, ipinauubaya sa mga may-ari ng sinehan ang desisyon kung magbubukas na sila .
“Ang aking sinabi sa kanila allow not mandated, if the cinema would like to allow to be opened they will be allowed to be opened but they are not mandated to be opened.Because number 1 when I spoke to cinema owners themselves marami sa kanila ayaw naman magbukas kasi wala naman daw silang ipapalabas na bagong pelikula dahil sa pandemya hindi nmn nakapag shooting,pangalawa kung ang dami-daming restrictions baka nmn hindi sila kumita dahil a ceratin number of people have to watch for them to earn at para kumita kailangan taasan yung presyo ngn panood which might turn off yung mga taong gustong manood”ani Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sa ilalim ng memorandum circular ng DTI, pinapayagan na mag-operate sa 25% capacity ang mga sinehan at arcade sa GCQ areas at 50% capacity naman sa mga MGCQ areas
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, layon nitong makapagbigay ng trabaho sa mas marami pa nating kababayan na naapektuhan ng pandemya.
Nguni’t kaakibat pa rin nito ang mahigpit na pagpapatupad sa health protocols .
(JP Nuñez | UNTV News)
Tags: GCQ, Metro Manila, MGCQ, Sinehan