METRO MANILA – Pinapayagan nang magtungo sa malls ang mga menor de edad bastat may mga kasamang magulang.
Sinabi naman ni Trade Sec. Ramon Lopez na pawang ang mga batang nasa 7 taong gulang pataas ang papayagan sa mall bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan sa pagbuhay ng ekonomiya.
Ngunit limitado lamang aniya ito sa pagbili ng kanilang mga kailangan at pagkain sa mga restaurant.
Kaya naman inatasan ni DILG Sec. Eduardo Ańo ang mga Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) na gumawa ng ordinansa at pagtibayin ang kautusan ng Inter Agency Task Force (IATF) para dito.
Nagpahayag naman ng pag aalinlangan si National Capital Region Police Office Director PBGen. Vicente Danao sa hakbang na ito.
Kaya naman nakiki-usap siya na kung maaari ay iwasan munang palabasin ang mga bata dahil malaki pa rin ang banta ng Covid-19.
“Nakikiusap kami na hanggat kaya dahil wala pa po tayong vaccination e umiwas na lang po muna sana this is to protect and prevent the disease from spreading further, siguro kung medyo naturukan na tayo ng vaccine ay thats the time na pwede na lumabas “ ani NCRPO director PBGen. Vicente Danao.
Sinabi naman ni joint task force coronavirus shield commander PLTGen. Cesar Hawthorne Binag na kailangan ng local na ordinansa para maipatupad ito.
Ssinabi din ni PNP Chief Pgen. Debold Sinas na pauuwiin muna nila sakaling may makitang mga minor de edad na agad na magtutungo sa mall ngayong araw at sa mga susunod pa habang walang ordinansa.
(Lea Ylagan | UNTV News)
Tags: Covid-19, malls, menorde edad