LGU na nagdeklara sa CPP-NPA-NDF na persona non grata, nasa 84% na – DILG

by Erika Endraca | May 25, 2021 (Tuesday) | 795

METRO MANILA – Pumalo na sa 84% ng 1,715 na mga lalawigan, lungsod, at munisipalidad sa buong bansa ang nagpasa ng mga resolusyon sa kani-kanilang mga local legislative na nagpapahayag at kumokondena sa kalupitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at idineklara silang persona non grata sa kani-kanilang mga lokalidad ayon sa pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa isinagawang virtual press conference, sinabi ni DILG Undersecretary at NTF-ELCAC Spokesperson Jonathan E. Malaya na 1,436 LGUs na ang nagkapagpasa ng resolusyon na kumukondena at nagdedeklara ng persona non grata ng mga komunistang grupo, habang ang natitirang 279 LGUs ay kasalukuyang nasa deliberasyon at proseso ang kanilang resolusyon sa kani-kanilang mga lokalidad .

“The resolutions of LGUs are solid proof of the condemnation of the CTGs and the resolutions belie the false claims of the Communist terrorists that they are supported by the people,” ani DILG Undersecretary at NTF-ELCAC Spokesperson Jonathan E. Malaya.

Sa kasalukuyan, ang Central Luzon, MIMAROPA, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at Cordillera Administrative Region pa lamang ang mga rehiyon na 100% nagdeklara ng persona non grata laban sa CPP-NPA-NDF.

Samantala, 4 na rehiyon naman ang nasa proseso ng ganap na pagdedeklara ng declaration of persona non grata , ang Ilocos Region ay 99% na deklarasyon; 98 % Lembah ang Cagayan ; 94% ang CALABARZON at 95% naman sa Northern Mindanao.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)