Level ng tubig sa Marikina River, nasa 2nd alarm na; mga residente malapit sa ilog, pinalilikas

by Radyo La Verdad | July 17, 2018 (Tuesday) | 2888

As of 1pm, tumaas na sa 16 meters ang level ng tubig ng Marikina River. Dahil dito, pinapayuhan na ang mga nakatira sa gilid ng ilog na lumikas na.

Ang mga lugar na malapit sa ilog ay ang Barangay Tañong, Dela Peña, Sto Niño, Malvar, Malanday at Nangka.

Maging ang rescue unit ng Marikina City ay nagmomonitor sa mismong ilog.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nakahanda na ang lahat sakaling kailangang magpatupad ng forced evacuation oras na umabot na sa critical level ang Marikina River.

Naantala naman ang pagsasa-ayos ng drainage sa gilid ng ilog at kinakailangang hakutin ang mga gamit dahil inaabot na ito ng tubig.

Ang marami sa ating mga kababayan na malapit sa ilog ay hindi pa rin lumilikas dahil hinihintay pa nila na umabot sa critical level ang Marikina River.

Pero nag-eempake na rin sila ng mga gamit at nakahanda na sa pagpunta sa mga evacuation center.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,