Leptospirosis cases sa NCR, tumaas ng mahigit 300%

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 3850

Nababahala ang Department of Health (DOH) dahil sa malaking bilang ang nadadagdag sa mga nagkakasakit ng leptospirosis linggo-linggo dahil sa patuloy na pagbaha sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sa National Capital Region (NCR), mula ika-1 ng Enero hanggang ika-2 ng Agosto ay umabot na sa 817 ang kaso ng leptospirosis. Mas mataas ito ng 323% kumpara sa kaparehas na panahon noong 2017.

Binabantayan na rin ngayon ng DOH ang ilan pang rehiyon gaya ng 1 at 3 dahil sa mabilis na pagbaha at matagal na paghupa nito. Sa kabuoan, nasa 85 na ang namatay sa NCR dahil dito.

Lumabas din sa monitoring ng DOH, kabilang sa mga nasa high risk na magkaroon ng leptospirosis ang mga manggagawang madalas lumulusong sa tubig baha.

Kaya naman panawagan ng DOH sa mga LGU, bigyan ng suplay ng doxycycline ang mga manggagawa. Kinakailangan silang uminom ng 200 mg na doxycycline isang beses isang linggo hanggang sa mawala na ang baha sa kani-kani- kaniyang mga lugar.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,