RESPONSE OF SEN. BONG GO
Re: Schedule of Special Session
I was informed by the Senate President that we are ready to hold the Special Session tomorrow at 2pm. The House of Representatives, through Speaker Alan Cayetano, confirmed that they are ready as well.
I was informed that the Office of the President will transmit to the legislators the proposed budget being requested, the proposed powers and authority needed for it to be utilized efficiently by the agencies, and other proposals, particularly for granting additional food and cash assistance to affected Filipinos, especially those belonging to the vulnerable sectors.
According to the Office of the President, the Presidential Proclamation to be released will call for a Special Session anytime from March 21 to 23. However, the Legislative branch will try to finish it tomorrow night given the urgency of the situation.
As a legislator, I am ready to attend. Both Houses of Congress should make sure that proper safeguards will be in place in the conduct of the Special Session in compliance with the President’s orders to exercise social distancing measures. The government as a whole shall continue to do its job in a manner that will not put the health of others at risk.
Sa panahon ng krisis, hindi pwedeng ipagpaliban ang tulong sa kapwa Pilipino, tuloy-tuloy tayong magseserbisyo.
Tags: Bong Go
METRO MANILA, Philippines – Dating PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino at dating Special Assistant to the President Bong Go, sila ang tatlong malalaki at bagong pangalan na pasok sa top 12 ng Senatorial race bunga na rin ng pag-endorso sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kilala rin sila bilang malalapit at kilalang personal ng Presidente, pero sa kabila nito iginiit ng Palasyo na hindi magiging sunud-sunuran ang mga ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maupo na sila sa Senado.
Ang inaasahan ng Palasyo, gagampanan ng mga ito ang kanilang bagong trabaho bilang mga mambabatas sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
“Nagkataon lang na malapit sila sa President pero that doesn’t mean na ibig sabihin, sunod-sunuran sila,” pahayag ni Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokeperson and Chief Presidential Legal Counsel.
Samantala, name recall at kakulangan naman sa access sa media ang itinuturong dahilan kung bakit hindi nakapasok sa magic 12 ang ilan sa mga iniendorsong kandidato ni Pangulong Duterte. Kabilang dito sina Freddie Aguilar, dating Congressman Zajid Mangudadatu, at ang nasa alanganin pang kalagayan na si Senator JV Ejercito.
“Nasa taumbayan pa rin yun, kasi maraming factors ang winning, number 1 is name recall, ‘pag di ka kilala, kahit inendorse ka kung di ka naman kilala ng boboto, di ka lalabas,” dagdag ni Panelo.
Ayon pa kay Panelo, nasa Presidente naman ang desisyon kung mailuklok ang mga ito sa ibang pwesto sa pamahalaan kapag natapos na ang one year ban sa pagtatalaga sa mga kumandidato sa halalan sa gobierno.
Ipinauubaya naman na ng Palasyo sa Kongreso kung anu-anong mga batas ang nais nilang maipasa alang-alang sa mga Pilipino. Ito ay bagaman inaasahan na marami pa rin ang magiging kaalyado ng administrasyon sa Kongreso at Senado.
“Whether or not Senate or Congress are dominated by the allies of whoever is incumbent, we expect them to pass economic reforms that will be beneficial to the Filipino people. ‘Di dapat pinaguusapan yun kung ally ka o hindi. Ang trabaho mo sa Kongreso, magpasa ka ng mga batas na makakatulong sa pagunlad ng taumbayan at mga kababayan natin. It’s about time na tanggalin na yang parties consideration. Diyan tayo nalulugmok,”ani Panelo.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Bong Go, Panelo, President Duterte, Ronald Bato dela Rosa
(File photo from PCOO FB Page)
Pinabulaanan ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang mga ulat na si Davao City lawyer Charmalou Aldevera ang kapalit ni Christopher Bong Go bilang Special Assistant to the President.
Automatically resigned na sa pwesto si Go matapos magsumite ng kaniyang kandidatura bilang senador sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Panelo, wala pang napipili si Pangulong Duterte na papalit sa nabakanteng pwesto ni Go. Wala pa rin aniyang papalit sa mga nabakante at mababakanteng posisyon ng iba pang cabinet members ni Pangulong Duterte na naghain at maghahain ng kanilang candidacy.
Kahapon, nagsumite na kaniyang candidacy sa pagka-gobernador sa Bohol si dating Cabinet Secretary Jun Evasco.
Matatandaang ilan pang cabinet members ang tatakbo sa eleksyon tulad nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Political Adviser Francis Tolentino, Agrarian Reform Secretary John Castriciones at TESDA Director General Guiling Mamondiong.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )