Legislative agenda ng 17th Congress ukol sa agrikultura, nakahanda ng isulong sa Senado

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 1769

JAPHET_SEN.VILLAR
Mahigit isang daang magsasaka ang naktakdang matapos sa training program ng Villar SIPAG o Social Institute for Poverty Alleviation and Governance.

Tinakda sa June 08, 2016 ang formal graduation ng trainees na isasagawa sa Villar SIPAG Urban Farm School sa Las Pinas.

Sumailalim ang mga ito sa pagsasanay sa pagtatanim at pag-aani ng iba’t ibang uri ng gulay gayundin sa paggamit ng mga makabagong makinarya sa pagtatanim.

Ayon ay Senator Cynthia Villar makakatulong ang mga ganitong uri ng programa para sa food security ng bansa.

Katuwang ng Villar SIPAG ang Allied Botanical Corporation, isang Fillipino-owned seed company na may research at development program sa pagsasanay sa mga magsasaka.

Kaya naman para sa senadora, malaking bagay na ang ganitong mga programa pang agrikultura ay nasusuhayan ng mga legislative agenda sa kongreso.

Sa 17th congress, isusulong ni Senador Villar ang labing dalawang panukalang batas na naglalayong mapatatag ang agricultural sector ng bansa.

Kabilang dito ang pagpropromote ng sustainable agriculture tulad ng rainwater harvesting, composting at coconut production.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,