Dumalo sa imbestigasyon ng House Committee on Games and Amusements ang mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO kaugnay ng Small Town Lottery sa bansa na ginagamit umano para sa operasyon ng iligal na jueteng.
Sa pagdinig kinuwestyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga matataas na opisyal ng PCSO kaugnay ng kanilang mandato sa pagbibigay ng lisensya o permit sa mga STL operator.
Ayon sa house speaker, wala ito sa charter ng PCSO.
Ayon sa chairman ng PCSO na si Jose Corpuz, 56 na ang kanilang nabigyan ng bagong permit sa stl at 37 naman na area ang naka-pending pa.
Nagbanta naman si Speaker Alvarez sa mga opisyal ng PCSO na ipatigil na ang pagbibigay ng permit at ikansela na ang mga nabigyan ng kontrata.
Ang posisyon na ito ng liderato ng kamara kaugnay ng pagpapatigil ng operasyon ng stl ay matapos ang ilabas ni Pangulong Duterte ang Executive Order Number 13 para sa all-out war ng administrasyon sa illegal gambling.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)