Kinumpirma ng pinuno ng pambansang pulisya na nakatatanggap na ng legal harassment hanay ng PNP dahil sa pinaigting na kampanya kontra illegal drugs, kriminalidad at korupsyon.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, bukod sa mga kasong isinasampa sa mga pulis, kumukuha na rin aniya ng padrino mula sa mga opisyal ng gobyerno ang mga drug lord upang pigilan sila sa kanilang kampanya laban sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot
Tiniyak naman ng heneral na walang dapat ikabahala ang kanyang mga tauhan na tumutupad sa tungkulin.
“Ngayon I am openly encouraging our people sulong mga kapatid, walang atrasan ito dahil the momentum is our side we cannot afford to waste this momentum, marami na po ang nagsu-surrender at namamatay.” Pahayag ni Dela Rosa.
(UNTV RADIO)