Legal Assistance Desk, ilalagay ng COMELEC at IBP sa mga voting centers sa mismong araw ng halalan

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1762

JOAN_LEGAL-DESK
Nilagdaan kanina ng Commission on Elections ,Integrated Bar of the Philippines at ng Philippine Association of Law Schools, ang isang Memorandum of Agreement na naglalayong maglagay ng mga legal assistance desk sa bawat voting centers sa mismong araw ng halalan sa May 9,2016.

Ito ay upang makapagbigay ng libreng payong legal sa sinomang botante na maaring magkaroon ng problema sa kanyang pagboto.

Bukod sa mga katanungang legal, maaari ring lumapit sa legal assistance desk ang mga botante sakaling mang magkaroon ng problema sa ibibigay na resibo ng comelec, na isa sa mga katibayan ng kanilang pagboto.

Sa bawat voting center maglalagay ang ibp ng isang legal assistance desk na tatauhan ng isang abugado.

Bukod sa mga abugado ng IBP, makatutulong rin sa pagbibigay ng legal assistance ang mga estudyante mula sa ilang law schools na magsisilbing practicum rin ng mga ito.

Lahat ng mga reklamo na matatanggap sa legal assistance desk ay ico-consolidate ng IBP at saka ito isusumite sa COMELEC.

Maaari ding dumulog rito ang mga miyembro ng Board of Election Inspector na posibleng makaranas ng anumang kaso ng harrassment mula sa sinomang kandidato o partido.
Paglilinaw ng COMELEC at IBP, tanging sa mismong araw lamang ng halalan ang libreng serbisyong ibibigay ng mga abugado.

Sa datos ng COMELEC tinatayang nasa m mahigit tatlumpu’t anim na libong voting centers sa buong bansa.
Tiwala naman ang COMELEC na malaking tulong ang hakbang na ito upang maiwasan ang anumang uri ng dayaan sa darating na halalan.

(Joan Nano / UNTV Corresoindent)

Tags: , , ,