Lebel ng tubig sa Angat Dam, bumaba na ng mahigit sa 34 metro

by Erika Endraca | May 3, 2019 (Friday) | 3004

Manila, Philippines – Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam.

Sa kuha ng UNTV News gamit ang UNTV drone noong March 15, 2019 nasa 200 meters pa ang lebel ng tubig dito.

Pero kung ikukumpara ito sa kuha ng UNTV drone nitong May 1 malaki na ang pagkakaiba nito. Ilang bahagi ng dam ay nakalitaw na ang lupa dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig.

Nitong May 1 nasa 177.97 meters na ang water level sa angat dam, mababa na ito sa minimum operating level ng 180 meters.

34 meters na rin ang ibinaba nito sa normal high water level ng dam na 212 meter.

Sa pagtaya ng National Water Resources Board o NWRB,  sa katapusan ng Mayo ay maaaring bumaba ang lebel ng tubig sa dam sa 173.52 meters.

Malalagay sa critical na lebel ang dam kapag tumuntong na ito sa 160 meter water level.

Naitala ang pinakamababang lebel ng angat dam noong July 2010 kung saang sumadsad ito sa 157.55 meters.

(Grace Casin | Untv News)

Tags: , ,