
Nagdaos ng konsiyerto nitong weekend sa Sydney Opera House sa Australia ang aktres at world-class singer na si Lea Salonga.
Sa isang ekslusibong panayam sa UNTV News, ibinahagi niya ang kanyang kagalakan sa mainit na suporta ng ating mga kababayan sa kanyang musical concert.
Kasamang nagtanghal ni Lea ang Sydney Symphony Orchestra at ang kanyang kapatid na musical director at conductor na si Gerard Salonga.
Ibinahagi rin ng broadway actress ang kaniyang pananaw sa kaniyang career at nagbigay rin ng payo sa mga nais magtagumpay sa larangan ng performing arts.
Matapos ang opera house concert, pinaghahandaan naman ngayon ng aktres ang nalalapit niyang birthday concert sa Pilipinas.
At bilang isang Pilipino, proud si Lea sa bagong henerasyon na nagpapakita ng mga talento lalo na sa larangan ng pag-awit.
Muli ring nagpasalamat si Lea sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.
(Nina Bascon / UNTV Correspondent)

Sa America at Canada,
Maayos at walang problema ang pagbubukas ng overseas voting.
Isa sa mga early voters na bumisita sa konsulado sa New York ay ang world renowned singer and actress na si Lea Salonga na naging ika-11 sa mga botante.
“I know the weather is bad but if there people that can make it to the consulate then that’s fantastic and its really like you have a duty to do this.” Pahayag ng aktres
Isang voting packet naman ang bumalik sa embahada sa Toronto dahil natanggal ang sticker ng addressee.
Agad naman nila itong ni-reprint at ipinadalang muli sa botante.
Sa Middle East,
Kinailangang magkaroon ng tatlong holding stations sa Qatar dahil sa pagdagsa ng mga botante.
Naglagay rin ng voter’s help desk upang matiyak na maayos ang proseso ng botohan.
Sa Bahrain,
Tiniyak na malinis at maayos ang mga presinto upang maging kumportable sa pagboto ang ating mga kababayan.
Sa Kuwait,
Umabot na sa 923 OFW’s ang nakaboto sa unang dalawang araw pa lamang ng botohan.
At dahil manual voting system ang isinasagawa sa Oman, nagtalaga ang embahada ng satellite stations kung saan maaring makaboto ang ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar – April 15 sa Salalah; April 22 sa Buraimi; at April 29 sa Sohar.
At sa Asya naman,
Problema ng nawawawalang pangalan ng botante ang naitala sa Taiwan at Thailand.
Ayon sa mga kinatawan ng embahada, agad nila itong irereport sa COMELEC para sa kaukulang aksyon.
(Amiel Pascual /UNTV NEWS)
Tags: early voters, Lea Salonga, overseas voting