Launching ng kauna-unahang strategic sea lift vessel ng Pilipinas, isinagawa sa Indonesia

by Radyo La Verdad | January 18, 2016 (Monday) | 3797

strategic-sealift-vessel
Isinagawa sa Indonesia ang launching ng kauna-unahang strategic sea lift vessel o SSV ng Philippine Navy nitong linggo.

Isa ito sa dalawang SSV procurement project ng Department of National Defense na inaprubahan noong 2013.

Pinondoha nito ng apat na bilyong piso mula sa AFP Modernization Act Trust Fund.

Magsisilbi itong floating command at control ng Philippine Navy para sa humanitarian assistance at disaster response.

Magagamit din ito sa iba pang civil-military operations dahil sa kakayahang mag-transport ng malaking bilang ng mga sundalo, logistics at supplies.

Kaya rin nitong maglulan ng tatlong helicopters.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,