Latest Severe Weather Bulletin mula sa PAGASA, as of 11:00am

by dennis | April 3, 2015 (Friday) | 3595

11083657_779824808794097_6236209014386515130_n

21161_779825008794077_4029060809885037869_n

Lalo pang humina ang bagyong Chedeng at nasa kategorya na lamang ito na “Tropical Storm”.

Ang tinatayang dami ng tubig ulan na maaring idulot ng bagyo ay nasa moderate to heavy sa loob ng 150 – 200km radius.

Tinataya itong tatama sa dalampasigan ng Aurora-Isabela area sa Linggo ng umaga, Abril 5 at inaasahang lalabas ito ng kalupaan sa Ilocos Sur, Linggo ng gabi at tuluyan iton lalabas ng Philippine Area of Responsibility Lunes ng umaga, Abril 6.

Nagbabala ang PAGASA sa mga pamilyang nakatira sa mga mababang at bulubunduking lugar na nasa ilalim ng storm signal #1 dahil sa posibleng flashflood at landslide.

Posible rin na magkaroon ng storm surge ng hanggang 2 meters sa eastern coast ng Aurora, Quezon at Isabela.

Binabalaan din ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot sa eastern seaboard ng Aurora, Quezon, Bicol region at Visayas.

Inabisuhan din ang mga maapektuhang residente na umiwas na sa mga outdoor activity particular sa mga beach sa eastern section ng Luzon simula bukas.

Kaninang 10:00am, ang sentro ng bagyong #Chedeng ay namataan sa layong 700km Silangan Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes o 950km Silangan Timog-Silangan ng Casiguran, Aurora.

Si Chedeng ay may lakas ng hangin hanggang 150kph malapit sa gitna at may pagbugso ito ng hangin ng hanggang 185kph.

Tinatayang gagalaw ito sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran na may bilis na 17kph.

PUBLIC STORM WARNING SIGNAL
PSWS#1 (Winds of 30-60 kph is expected in at least 36 hrs)
Luzon – Catanduanes and Camarines Sur

Tags: , , , ,