Nagluluksa ngayon ang buong Estados Unidos dahil sa isa namang mass shooting incident na naganap Linggo ng gabi sa Las Vegas Nevada, habang araw naman sa Pilipinas.
Ayon sa imbestigasyon ng mga Las Vegas Metro Police District, isang country music festival ang nagaganap sa isang open field malapit sa Madalay Bay Hotel and Casino. Sa kalagitnaan ng concert ay narining ng mga tao ang sunod-sunod na putok ng baril.
Una ay inakala pa ng mga ito na fireworks lamang ang kanilang naririnig ngunit nagkagulo na ang mga ito ng matumba na ang ilang concert goer.
Kinilala ang suspek na si Stephen Paddock, 64 yrs old at nakatira sa isang retirement community in Mesquite, Nevada.
Pinagbabaril nito ang mga tao sa concert mula sa isang kwarto sa 32nd floor ng Madalay Bay Hotel.
Natukoy ng mga otoridad ang kinalalagyan ng suspek dahil sa smoke detector sa kwarto nito.
Ngunit nang pasukin ang lugar ay natagpuang patay ang suspek na mayroon umanong “self-inflicted gunshot wound”.
Hindi bababa sa 50 ang patay at mahigit sa limandaan namang ang sugatan sa insidente.
Ito na ang tinuturing na “Deadliest mass shooting sa kasaysayan ng America matapos ang Pulse night club incident noong taong 2016 sa Orlando kung saang 49 ang nasawi.
samantala, nilinaw naman ng mga otoridad ang babaeng ASIAN na kasama umano ng suspek sa bahay na unang tinukoy na person of interest.
Ilang mga news agency na nagsasabing originally from the Philippines ang babae ngunit wala pang kumpirmasyon dito mula sa Embahada ng Pilipinas dito sa Estados Unidos.
Wala pa rin tayong impormasyon kung mayroon na bang mga Pilipinong nadamay sa insidente.
( Kath Canlas / UNTV Correspondent )
Tags: Las Vegas mass shooting, Orlando, Pilipinas