Las Piñas Rep. Mark Villar, kinumpirmang sasabak sa 2016 national elections

by Radyo La Verdad | September 29, 2015 (Tuesday) | 1239

VINCENT_CONG.VILLAR
Nakapag-desisyon na si Las Piñas Lone District Representative Mark Villar hinggil sa kanyang magiging plano para sa susunod na taon.

Sa kanyang pagdalo sa ika-isandaan at apat napu’t apat na anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Lobo, Batangas, kinumpirma ni Congressman Villar na tatakbo siya sa 2016 national elections ngunit tumanggi muna siyang ihayag kung aling posisyon ito.

Sa pinakahuling Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia, pumasok si Villar sa rank 8 to 14 matapos siyang makakuha ng 35.8-percent.

Ang naturang survey ay isinagawa noong September 8 hanggang 14, 2015, at tinanong ng Pulse Asia ang nasa 2,400 respondents kung sino sa mga nasa listahan ang kanilang iboboto kung ngayon na isasagawa ang eleksyon.(Vincent Octavio/UNTV Correspondent)

Tags: , ,