Larawan ng suspek sa Paris terrorist attacks, inilabas; pinaigting na airstrike kontra ISIS sa Syria, inilunsad

by Radyo La Verdad | November 16, 2015 (Monday) | 1225

SALAH
Patuloy ang manhunt operations ng mga otoridad sa Paris France sa mga suspect na nagsagawa ng mga pag-atake sa isang concert, restaurant, bar at soccer stadium noong biyernes ng gabi sa Paris na ikinasawi ng mahigit 130 indibidwal.

Inilabas ng French Police ang larawan ng isa sa mga wanted na suspek na kinilang si Salah Abdeslam, 26 years old, isang Belgian French National.

Ayon sa ulat si Salah kasama ang dalawa pang lalake ang sakay ng behikulo na ginamit ng mga suspek na sumalakay sa isang rock concert sa Bataclan.

Pito na ang inaresto ng mga otoridad sa Belgium kabilang na ang kapatid ni Salah.

Nabatid rin na pito sa mga suspek ang napatay ng French Authorities.

Bunsod ng pangyari naglunsad ng malawakang airstrike ang France sa Raqqa Syria , ang kuta ng militanteng ISIS na umaming responsable sa madugong pag-atake

Samantala, habang nagsasagawa ngayon lunes ng vigil sa Place de La Republique at Carillon Restaurant ay nagkaroon ng panic dahil sa isang pagsabog.

Ayon sa mga police inakala ng mga nagbi-vigil na firecrackers ng putok ng mga baril.

Nanatiling nasa state of emergency ang bansa at umiiral ang mahigpit na curfew.

Samantala sinabi ng embahada ng Pilipinas sa France na walang pilipino nasawi o nasugatan sa terrorist attack.

Nanawagan na rin ng embahada sa libo libong pilipino na huwag munang lumabas sa kanilang mga tahanan at maging maingat at mapagbantay para na rin sa kanilang kaligtasan. (Piching Vizcarra Garin/ UNTV News)

Tags: , ,