Pinatawan ng siyam na pung araw (90) na preventive suspension ng Sandiganbayan 5th division si Lapu-Lapu City Mayor Paz Radaza.
Ito ay dahil sa pagkakadawit ng alkalde sa kasong graft na isinampa sa dating Cebu Representative Clavel Martinez dahil sa umano’y maling paggamit ng fifteen million pork barrel funds na inilaan para sa anti-drug campaign ng Girls Scouts of the Philippines o GSP noong 2002.
Si Martinez ang nagsisilbing presidente ng GSP noong panahon na iyon, habang si Radaza naman ang nakaupong treasurer.
Ayon kay Radaza, nakikipag-usap na siya sa kanyang mga abogado kaugnay sa naturang kaso.
Pansamantala munang papalit sa pwesto ni Radaza si Vice Mayor Marcial Ycong.
Tags: Lapu-Lapu City Mayor Paz Radaza, pinatawan ng 90 days preventive suspension