Langis, sigarilyo at luxury vehicles, pangunahing sanhi ng revenue losses ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | February 14, 2017 (Tuesday) | 1439


Bukod sa milyon-milyong halaga ng agricultural products gaya ng bigas at sibuyas na kadalasang ipinupuslit papasok sa bansa, tinututukan ngayon ng Bureau of Customs ang imbestigasyon sa tatlong pangunahing produktong sanhi ng revenue losses ng pamahalaan.

Kabilang dito ang langis, sigarilyo at luxury vehicles na kadalasang under valued.

Base sa statistical data in smuggling ng BOC, umaaabot sa $3.85 billion o katumbas ng p165.5 billion ang revenue losses taon- taon dahil sa smuggling ng mga naturang produkto.

Halos P50 billion pesos naman o katumbas ng halos 10. 68% sa p467.9 billion ng annual revenue target na itinakda ng Development Budget Coordination Committee ang hindi naaabot taon- taon dahil sa smuugling activities.

Kadalasang misdeclaration, misclassification at undervaluation ng mga produkto ang ginagawa ng mga smuggler upang makatakas sa pagbabayad ng tamang halaga ng duties at taxes.

Nakikipagtulungan na ang BOC sa iba pang ahensya sa bansa upang masugpo na ang smuggling lalo na sa mga produktong petrolyo.

Ayon pa sa pamunuan ng BOC, sa halaga ng mga hindi nakokolektang buwis mula sa mga imported products, madami umano ang mga ahensya at mga proyekto ng pamahalaan na hindi na nabibigyan ng sapat ng pondo.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,