Lane Michael White determinadong magsampa ng kaso laban sa dalawang OTS screener

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 1233

WHITE
Itutuloy ni Lane Michael White ang pagsasampa ng kaso sa dalawang OTS Screening Officer sa NAIA

Ito ang pahayag ni White sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa kasong illegal possession of ammunition na isinampa laban sa kanya ng AVSE Group sa Pasay RTC.

Sinabi ni White na kaya nyang patunayan sa Korte na nagtangka ang dalawang screener na hingan siya ng thirty thousand pesos kapalit ng kanyang paglaya.

Anim na araw na nakulong si White sa presinto ng AVSE Group, pinalaya lamang siya matapos pumayag ang Pasay RTC na makapag pyansa siya ng halagang 40 thousand pesos.

Ayon kay White bagamat na kakapagod ay naniniwala siyang lalabasang katotohanan.

Naghain muna ng motion to determine probable cause at motion to conduct investigation ang kampo ni White sa Pasay RTC sa sala ni Judge Pedro Gutierrez.

Ayon sa abogado ni White, malaki ang naging abala sa pamilya ni White na patungo sana sa Coron Palawan noong nakaraang Setyembre.

Samantala, kasabay ng pagdinig sa kaso ni White, nagsagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo sa labas ng Pasay RTC

Ipinapawagan ng mga ito na dapat panagutan ni DOTC Sec. Jun Abaya ang mga katiwaliang nangyayari sa NAIA

Sa ngayon umabot na sa anim na pung NAIA OTS Screener ang pansamantalang sinuspindi upang maimbistigahan dahil sa sari saring sumbong at reklamo. (Mon Jocson/UNTV News)

Tags: , ,