Nasa 19-20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility kada taon.
Ang ilan sa mga ito ay nadudulot ng malaking pinsala gaya ni Yolanda na nagiwan ng mahigit sa 6,300 patay ay halos p90b pinsala.
Ngayong taon ay isa ang bagyong Lando sa nagiwan ng malaking pinsala sa agrikultura at inprastraktura matapos na manalasa sa Northern Luzon.
Dahil dito ay inirekomenda na ng mga opisyal ng weather division ng PAGASA na alisin na sa listahan ng mga pangalan ng bagyo si Lando.
Kapag ang isang bagyo ay nagdulot ng 1-bilyong pisong pinsala pataas o kaya’y 300 katao pataas ang iniwang patay ay inaalis ito sa listahan.
May apat na hanay ng mga pangalan ng bagyo ang PAGASA para sa 4 na taon at uulit kapag nagamit na lahat ito.
Hindi man umabot sa 300 ang naiulat na namatay sa pananalasa ng bagyong lando sa luzon subalit nasa p9.8b pesos naman ang naiwang pinsala kaya’t kwalipikado parin ito upang iretiro na ang pangalan.
Papalitan ito ng ibang pangalan na mula sa mga auxilliary names o reserbang pangalan na may kaparehong nauunang titik.
Mula 2001 ay nasa 26 na pangalan na ng bagyo ang pinalitan dahil sa iniwang pinasala gaya ng pangalang Frank noong 2008, Ondoy noong 2009, Pepeng noong 2009 at Yolanda noong 2013.(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)