METRO MANILA – Mapapalawak na ang operasyon ng mga Commercial Hog Raiser na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar dahil nag alok ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng P15-Billion na pautang.
Ito ay upang maragdagan ang bilang ng mga aalagaan nilang baboy at upang mapanatili ang presyo nito sa merkado.
Noong March 17, 2021, ang LandBank ay gumawa ng memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Departement of Agriculture (DA) bilang pagsuporta sa proyekto ng gobyerno sa muling pagpaparami ng mga baboy na pinangungunahan ng Special Window and Interim Support to Nurture Hog Enterprises (SWINE), lending program na nag kakahalaga ng P15-B.
“Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Land Bank of the Philippines, Unang una kay President Cecillia Borromeo, sa patuloy at matatag na kasama ng Departement of Agriculture sa pagtulong na bumuo at sa pagpaplano ng country’s agriculture, fishery at agribussiness sector” ani Agriculture Secretary William Dar.
Bukod sa commercial hog raisers , ang iba pang grupo tulad ng Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs), Small and Medium Enterprises (SMEs), at Agribusiness Enterprises and Corporations na maaaring mag-avail ng LandBank SWINE loans.
Ayon kay LandBank President Cecilia Borromeo, ang qualified borrowers ay magkakaroon ng technical assistance, hog insurance, at ASF biosecurity mula sa DA.
Maraming tanggapan ang DA- partikukar na ang National Livestock Program, Bureau of Animal Industry (BAI), Agricultural Training Institute-International Training Center for Pig Husbandry (ATI-ITCPH), Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS), at Regional Field Offices (RFOs).
Makikipag-uganayan sa LandBank lending ceters upang i-promote ang SWINE leding portfolio, sa suporta ng DA’s hog repopulation program, na Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE).
Dagdag pa rito, ang DA offices ay magbibigay ng listahan ng mga potential borrower, at certify na ang kanilang lugar ay nasa “green, yellow, o pink” zones base sa updated ASF zoning Map.
Magbibigay din sila ng training sa biosecurity management at breeding/rearing ng mga baboy sa mga interesadong investor, provided agribusiness, marketing assistance, bukod sa iba pang serbisyo.
Ang LandBank lending centers, sa kabilang banda ay magsasagawa ng program promotion accept at evaluate loan applications, facilitate approval and release of loan, at collect loan repayments.
Sa ilalim ng SWINE lending program, ang mga uutang ay maaring makapag-avail up to 80% ng project cost, kasama ang fixed interest ng 3% para sa 3 years, at pagkatapos nito ay magkakaroon ng annual interest rate. Ang utang ay maaring mabayaran ng hanggang 5 taon.
Maliban sa hog production, ang utang ay maaring magamit sa acquisition and import of semen or breeding animals; feed milling operations; construction, improvement o retrofitting of facilities in compliance kasama ang DA biosecurity protocols; acquisition of fixed assets; bilang working capital.
Ang SWINE lending program ay nagdaragdag sa 1 host ng iba pang pakikipagsosyo sa DA-LandBank upang mapanatili ang paglago, paggawa ng makabago, at industriyalisasyon ng agrikultura ng Pilipinas, tulad ng: Rice Competitiveness Enhancement Program (RCEP); Rice Farmers Financial Assistance (RFFA); Financial Subsidy for Rice Farmers (FSRF); gayon din ang Expanded Survival and Recovery Assistance (SURE-AID), at iba pa.
(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)