Land Bank of the Philippines, susunod sa direktiba ng Pangulong Duterte

by Erika Endraca | July 25, 2019 (Thursday) | 9532

MANILA, Philippines – Binabalangkas na ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang kanilang isusumiteng ulat sa Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa estado at mga gagawing programa ng bangko bago matapos ang buwan ng Hulyo.

Noong lunes ay pinuna ng pangulo sa mismong sona nito ang LBP.

“You know, you are called land bank but you are now the number one commercial bank in the philippines. What the heck is happening to you? You are supposed to finance agricultural enterprises and endeavors. Bakit wala (why none)?” “go to the countryside and ask the people if there are cooperatives, tulungan ninyo to form one,” ani Department of Finance Asec Antonio Lambino.

Binalaan ng pangulo ang LBP na kung hindi ito makapagbibigay ng magandang plano sa mga bagsasaka ay ipabubuwag niya ito sa kongreso.

“I’m asking now congress, if there is no viable plan for that for the farmers and it is just all commercial transactions, might as well abolish it (landbank),” he warned. ani Department of Finance Asec. Antonio Lambino.

Nabuo ang Land Bank of the Philippine noong 1963 as pamamagitan ng Republict Act 3844 o ang Agricultural Land Reform Code. Ayon sa Land Bank, palalakasin pa nito ang kanilang ugnayan sa mga kooperatiba at organisasyon ng mga magsasaka at mananatiling matatag sa patuloy na pagtupad ng kanilang mandato na tumulong sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda at ang buong sektor ng agrikultura.

Ayon naman sa Department of Finance, 22% ng 800 bilyong pisong portfolio ng LBP ay nakapautang na sa sektor ng agrikultura. Nakikipagugnayan narin ito ngayon Bangko Sentral upang malaman kung paano pa mapapalawig ang kanilang serbisyo.

You’re really not supposed to be invested more than 20% in any sector. Kaya po land bank wants to do more, but they have to do this in consultation with the bangko sentral. Kasi nasa 22% na sila ng kanilang loan portfolio na naka invest sa agriculture” ani Department of Finance Asec Antonio Lambino.

Ayon pa kay Asec. Tony Lambino, sa Land Bank din dumadaan ang pera para sa iba pang programa ng gobyerno gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Dapat din aniyang magkaroon ng pagbabago sa pagbibigay ng mga titulo sa mga magsasaka na ipinamamahagi ng Department of Agrarian Reform para madali silang makautang sa bangko. Ang titulo ay isa sa mga kolateral na maaaring gamitin para makautang sa Land Bank.

“Ibig sabihin po niyan kung gusto kong umutang at kasama ko ang mga kasamahan natin dito sa table as cloa (certificate of land ownership award) ay lahat po sila kailangan ding pumirma para ako makautang. Hindi simple at streamlined ang sistema pag ganun.” ani Department of Finance Asec. Antonio Lambino.

Hindi rin aniya makabubuti sa isang bangko kung nakatuon lamang sa isang sektor ang mga programa nito.

Kung kasi magri-risk tayo dito sa isang lugar lamang at isang crop for instance, at hindi natin ida-diversify yung risk natin sa ibang sector at industriya, pag may mangyari dito sa isang sector or industry ay wipe-out tayo. Hindi safe at prudent ang ganung approach.” ani Department of Finance Asec. Antonio Lambino.

(Rey Pelayo | Untv News)

Tags: ,