Lalawigan ng Masbate, inirekomenda ng PNP na isailalim sa Comelec control

by Radyo La Verdad | April 27, 2018 (Friday) | 9397

Mayroong matinding labanan sa pulitika, presensya ng Private Armed Groups, aktibidad ng criminal gangs, maraming walang lisensyang baril at presensya ng threat groups gaya ng NPA sa lalawigan ng Masbate.

Ito ang dahilan kayat inirekomenda ng PNP na isa-ilalim sa Comelec control ang Masbate.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCSupt. John Bulalacao, kapag nasa ilalim na ng Comelec control ang isang lugar, ang mga opisyal at tauhan na ng Comelec ang may kapangyarihan dito at hindi na ang PNP at AFP.

Sinabi pa ni Bulalacao na habang papalapit ang halalan pinaiigting nila ang kanilang checkpoint operations lalo na sa mga lugar na nasa watchlist.

Mula April 14, mahigit limangdaan na ang naaresto ng PNP dahil sa iba’t-ibang paglabag. Mahigit apat na raan na ang nakumpiskang baril at mahigit dalawang libo at pitong daang mga patalim.

Pito na ang naitalang election related incidents.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,