Lalaking sugatan sa pambubugbog, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 26, 2017 (Thursday) | 6810

Nadatnan ng UNTV News and Rescue Roving team ang isang sugatang lalaki sa Quezon City Police Station 6. Punit ang labi at nagkabukol sa mukha si Marvie Caliwliw, bente anyos.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong pinsala ng biktima.

Kwento ng ina ng biktima, galing sila sa isang kasiyahan sa Montalban at papauwi na sana sa kanilang bahay sa Veterans Village.

Pagbaba ng jeep sa may tapat ng Sandiganbayan sa brgy. Holy Spirit, isang lalaki umano ang lumapit sa kanyang anak.

Nang komprontahin ng biktima ay inundayan na umano ito ng suntok ng suspek. Ilang saglit ay nakitulong na sa pambubogbog ang tatlo pang kasamahan ng suspek. May mga brgy. tanod din umano sa lugar pero hindi ito umawat sa kaguluhan.

Nagsagawa naman ng follow up operation ang pulisya sa pinangyarihan ng insidente kung saan naabutan ang tanod na si Bhong de Castro. Paglilinaw nito, si Caliwliw ang naunang nanuntok sa nakaaway.

Hindi rin aniya totoo na apat ang nagtulong na bumugbog kay Caliwliw dahil dalawa lang silang nagsuntukan ng kaniyang nakaaway.

Sinubukan din aniya nila itong awatin subalit hindi nagpapaawat ang dalawa.

Matapos namang bigyan ng first-aid ng UNTV News and Rescue si Caliwliw ay dinala na ito ng pulisya sa East Avenue Medical Center para malapatan sa karagdagan pang atensyong medikal.

 

( Macky Librdilla / UNTV Correspondent )

Tags: , ,