Lalaking pinalo ng tubo sa ulo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 4, 2017 (Monday) | 6662

Sugatan ang magkaibigang Jomar Mendoza at Anthony Valentine matapos tumilapon mula sa sinasakyang motorsiklo nang biglang iwasan ang isang bato sa North Bound ng Muñoz-Edsa sa Quezon City kaninang alas dose ng madaling araw.

Agad nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team si Jomar na nagtamo ng mga sugat sa balikat tuhod at mga kamay.

Habang ang MMDA Rescue naman ang tumulong kay Anthony na posibleng may bali sa kaliwang binti. Matapos lapatan ng first aid ay inihatid na ng dalawang rescue team ang mga biktima sa Quezon City General Hospital.

Samantala, isang lalaki naman na pinalo ng tubo sa ulo ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team habang ito ay nagpapablotter sa Police Station 3 sa city kaninang 12:45 ng hating gabi.

Ayon sa 39 anyos na si Norman Villa, habanag natutulog siya sa isang upuan sa gilid ng kalsada ay bigla umano siyang pinukpok sa ulo ng tubo ng dalawang beses ng suspect na si alyas Nonoy.

Nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga sugat sa ulo ni norman na tumanggi ng magpahatid pa sa ospital. Sa ngayon, pinaghahanap na ng mga pulis ang suspect.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,