Lalaking nasugatan sa vehicular accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 1322

tmbb
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang lalaking nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at pampasaherong jeep sa bahagi ng Quirino Highway Barangay Sangandaan sa Quezon City pasado alas onse kagabi.

Nakahandusay sa kalsada at namimilipit sa sakit ang biktima sa kanyang tinamong pinsala nang abutan ng grupo na kinilala na si John Michael Doctor, 29 anyos na driver ng motorsiklo.

Nagtamo ng malubhang sugat sa kanang binti si Doctor habang ang kanyang angkas naman na si Julian Sena, 31 anyos ay may sugat sa kanyang ilong na agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Matapos malapatan ng pangunang lunas ang mga sugat ng mga biktima ay dinala na sila sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, mag-u-u-turn ang motor sa Quirino Highway nang biglang banggain ito ng pampasaherong jeep.

Depensa naman ng driver ng jeep na si Mario Sagaya, 31 anyos nagbaba lang siya ng pasahero at pag signal ng go ng traffic light ay umarangkada na siya.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino ang dapat managot sa pangyayari.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)