Lalaking nahagip ng motorsiklo sa Cagayan de Oro City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 6, 2018 (Thursday) | 6902

Walang malay at may dugong lumalabas sa bibig ang lalaking ito ng datnan ng UNTV News and Rescue Team na nakahiga sa kalsada at hawak-hawak ng motorcycle rider na kinilalang si Lito Francisco.

Kaagad ini-assess ng grupo ang biktima na kinilalang si Romeo Manuel, 52 anyos.

Inilagay ito sa spineboard at nilapatan ng first aid ang mga tinamong sugat sa kaliwang binti habang nasa loob ng rescue vehicle papuntang Northern Mindanao Medical Center.

Ayon kay Francisco, papauwi na sana siya habang nagmamaneho ng motorsiklo nang biglang may tumawid na lalaki sa National Highway sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City, pasado alas onse kagabi.

Tinangka pa umano niyang iwasan ang biktima ngunit nahagip pa rin niya ito kaya tumilapon at tumama sa semento. Hindi niya iniwan ang biktima at humingi ng tulong na makatawag ng rescue team.

Nangako naman si Francisco na tutulungan ang biktima sa pagpapagamot sa ospital.

 

Tags: , ,