Lalaking nabangga ng taxi sa Quezon city, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 26, 2015 (Monday) | 2025

REYNANTE_TMBB
Isang lalaki nabundol ng taxi sa Brgy.Fairview, Commonwealth Avenue sa Quezon city dakong alas kuatro y medya ng madaling araw ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team.

Nadatnan pa ng grupo na nakaupo sa kalsada ang biktima na namimilipit sakit dahil sa tinamo nitong sugat.

Kinilala ang biktima na si Tito Cubillas II, kuarentay uno anyos, taga payatas at isang call center agent.

Nagtamo ng gasgas sa siko at tagiliran at hiwa sa paa ng biktima na agad nilapatan katawan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Idinadaing din nito ang pananakit ng kanyang kanang tagiliran kaya’t agad siyang dinala ng grupo sa East Avenue mMedical Center.

Ayon sa taxi driver na si Roger Teves paliko na sana siya Commonwealth Avenue at hindi niya napansin na nasa harapan na ng kanyang sasakyang ang biktima.

Sa salaysay naman ng biktima pagbaba niya ng jeep at nagulat na lamang ito nang banggain siya ng taxi.

Sa lakas ng pagkabangga pati ang windshield ng taxi ay nagcrack.

Handa naman sagutin ng driver ang pagpapagamot sa biktima.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,