Lalaking nabangga ng motorsiklo sa Butuan City, tinulungan UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 3742

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang rider matapos mabangga ng motorsiklo sa may GSIS, Libertad Butuan City, pasado alas dos kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Ryan Hoylar na nag tamo ng sugat sa mukha at kaliwang paa.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue ang mga sugat ng biktima.

Kwento ni Hoylar, paatras na siya para umuwi, matapos pumarada sa gilid ng kalsada nang banggain siya ng humaharurot na motorsiklo.

Wala namang natamong pinsala ang nakabangga kay Hoylar. Matapos lapatan ng first aid ang biktima ay tumanggi na itong magpadala sa ospital.

Nagpapasalamat naman ang biktima sa mabilis na pagtulong sa kanya ng UNTV News and Rescue.

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Quarterly tree planting ng BJMP Caraga, isinagawa sa Butuan City

by Radyo La Verdad | December 6, 2018 (Thursday) | 13230

Isang daang binhi ng palkata tree ang sama-samang itinanim kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Jail Manangement and Penology (BJMP) sa Mahay, Butuan City.

Ito ay bahagi ng Adopt a Mini Forest project ng BJMP na nagsimula pa noong 2014 na layong isulong ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.

Ayon sa isang forest technician ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), dahil flashflood prone ang ilang lugar sa Butuan City ay malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng maraming kahoy kada tatlong buwan. Kailangan lang sundin ang tamang proseso ng pagtatanim nito upang huwag mamatay at tumubo ng maayos.

Nitong mga nakaraang buwan lang ay ikinasama ng loob ng BJMP Caraga ang pagkakasunog sa kanilang mga nauna nang itinanim na punong kahoy sa lugar.

Hindi naman matukoy ng mga opisyal ng barangay kung sino ang mga responsable sa pagsunog dito.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Sugatang driver at angkas ng motor na naaksidente sa Quezon, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | November 21, 2018 (Wednesday) | 20890

Nagtamo ng sugat at galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang lalaki matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa tricycle sa Bagangay Marketview, Lucena City kagabi.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang driver ng motorsiklo na si Loreal Oranggo dalawampu’t pitong taong gulang at angkas nito na si Oscar Ostanal, 49 na taong gulang na pawang residente sa pinagyarihang barangay.

Ayon kay Lorango, nagpreno siya sa kurbadang bahagi ng kalsada ngunit dumulas ito kaya sumalpok ang motorsiklo sa traysikel na nasa kanilang unahan.

Matapos na lapatan ng pangunang lunas ay tumanggi ang mga ito na magpadala sa ospital at nagpasyang umuwi na lamang sa kanikanilang tahanan.

Hindi naman nasaktan ang driver ng tricycle na kanilang nabangga.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Biktima ng motorcycle accident sa Butuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 24, 2018 (Wednesday) | 14273

Nakaupo na sa gilid ng kalsada si Yolanda Azura nang datnan ng UNTV News and Rescue Team sa J.C. Aquino Avenue, Butuan City, pasado alas diyes kagabi.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue si Yolanda na nagtamo ng bukol sa ulo at iniinda ang pananakit ng baywang matapos tumilapon sa kalsada.

Wala namang tinamong injury ang asawa nito at ang rider na nakabanga sa kanila.

Ayon sa imbistigasyon ng mga pulis, papaliko na sana papuntang downtown area sina Yolanda sakay ng motorsiklo nang mabangga sila ng isa pang motor na mabilis naman umano ang pagpapatakbo.

Matapos lapatan ng first aid ay dinala ito ng grupo sa Butuan Medical Center para sa karagdagang atensyong medical. Nagkasundo naman ang magkabilang panig na mag-areglo na lamang.

Samantala, isa ring biktima ng motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa Tacloban City kaninang pasado ala una ng madaling araw.

Pauwi na sana ang magkaibigang Allen Labita at Cristeta Dolor nang magslide ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Maharlika Highway, Housing, Tacloban City.

Nagtamo ng bukol sa kaliwang bahagi ng noo at mga gasgas sa kamay si Dolor matapos mahulog sa motorsiklo. Wala namang tinamong pinasala ang angkas nito na si Labita.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team si Dolor na tumanggi ng magpahatid pa sa ospital.

Matapos makunan ng pahayag ng mga pulis ay nagpaalam na lamang ang mga ito na uuwi ng kanilang bahay.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News