Lalaking nabangga habang tumatawid, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 10, 2017 (Friday) | 1190


Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking nabangga ng delivery vehicle sa Monument, Caloocan City kaninang alas tres ng madaling araw.

Agad namang nilapatan ng team ng paunang lunas ang biktima na si Bryan San Pedro.

Bukod sa mga gasgas sa kanang binti iniinda ng biktima ang pananakit ng namamagang tuhod.

Ayon naman sa driver ng delivery vehicle na si Manuel Abergos, papunta sana sila ng Pasig dala ang paninandang isda galjng sa Navotas ng mabangga ang biktima.

Anya, binabagtas nila ang EDSA Southbound ng biglang balikan ng biktima ang nahulog nitong towel sa kalsada kaya naman kahit nakapagpreno na sya ay inabot pa rin at nabangga ang biktima.

Kapansin pansin din ang malaking babala sa center island na bawal tumawid sa lugar kaya naman paalala ng otoridad sa publiko na tumawid sa tamang tawiran para makaiwas sa aksidente at anomang abala.

Matapos namang malapatan ng first aid ang biktima ay agad itong dinala sa Manila Central University Hospital para malapatan ng kaukulang atensyong medikal.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: ,