Lalaking naaksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 5, 2016 (Tuesday) | 1194

macky-tmbb
Naabutan ng UNTV News and Rescue Team na nakahundasay sa kalsada ang isang lalaki matapos sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Zabarte road corner Ilang street sa Caloocan city pasado ala una kaninang madaling araw.

Dahil dito agad na nilapatan ng paunang lunas ang biktima na nagtamo ng sugat sa bibig ng biktima.

Hindi rin ito makatayo dahil sa iniindang pananakit ng katawan, kaya agad na itong dinala ng Caloocan Rescue Team sa pinakamalapit na ospital ang biktima.

Kita pa sa cctv ng brgy 175 ang naturang lalaki na tila nagalangan sa isa pang kasalubong na motorsiklo kaya ito sumemplang.

Galing pa umano sya ng birthday party at pauwi na sana ng bahay bago tumagilid ang motorsiklo.

Nadiskubre ng mga tauhan ng barangay, ang isang bote ng alak sa loob ng kanyang bag.

Ayon pa sa barangay accident prone area ang lugar dahil kurbada at pababa ang daan kung kaya’t kinakailangan ng ibayong pag-iingat.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: ,