Lalaking naaksidente sa Baao, Camarines Sur, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | December 19, 2016 (Monday) | 1777

allan_tmbbNirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa Baao, Camarines Sur, madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang biktima na si Jun Bejino, trenta y cuatro anyos at residente ng Tabaco Albay.

Nagtamo ng gasgas sa kamay at kanang paa si Bejino dulot ng aksidente na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo.

Ayon kay Jun, galing umano sya sa tarabaho sa Pasacao, Camsur pauwi sa kanilang bahay sa Albay ng tahakin nya ang daan.

Hindi niya nakita ang mga batong nagkalat sa kalsada dahil sa isinasagawang re-blocking sa kahabaan ng Pan-Phil Highway.

Madilim din sa lugar na pinangyarihan ng aksidente at wala umanong sapat na street light para magbigay ng liwanag sa mga motorist.

Matapos namang malinis ang sugat sa kamay at paa tumanggi na si Bejino na magpahatid pa sa ospital.

(UNTV News and Rescue Team Bicol)

Tags: , ,

3 pulis patay, 4 sugatan sa pananambang sa convoy ni FDA Director General Nela Charade Puno sa Lupi, Camarines Sur

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 18962

Tinambangan ng dalawampung hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang convoy ni Food and Drug Administration Director General Nela Charade Puno sa Brgy. Napolidan Lupi, Camarines Sur kaninang pasado alas nuebe ng umaga.

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, patungo sana sa Daet Camarines Norte ang convoy nang tambangan ng mga rebeldeng komunista.

Nasawi sa ambush ang tatlong police escort ni Puno na nakilalang sina SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza at PO1 Ralph Jason Vida.

Sugatan naman ang apat na iba pang kasama sa convoy na pawang nakatalaga sa Camarines Sur Police Provincial Office at pansamantalang itinalaga kay Puno sa lugar. Agad isinugod ang mga sugatan sa Bicol Medical Center sa Naga City.

Agad namang nakipag-ugnayan ang Bicol PNP sa Philippine Army para sa hot pursuit operation. Nagsagawa din ng checkpoint ang mga pulis sa iba’t-ibang lugar sa Camarines Norte at Camarines Sur.

Sinabi pa ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde na gagamit na ang PNP ng drone sa mga operasyon at upang makaiwas na rin sa mga ambush.

Pitong daang unit ng drone aniya ang ipamamahagi ng PNP sa mga regional mobile group sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa sa lalong madaling panahon.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Aspiring singer mula sa CamSur, hangad na mahanap ang tunay na magulang sa pagsali sa WISHcovery

by Radyo La Verdad | August 7, 2018 (Tuesday) | 40449

Sa ngalan ng pangarap, dinayo ng mga aspiring singer mula sa Bicol Region ang pagbubukas ng WISHcovery auditions sa Naga, Camarines Sur.

Isa na rito si Jeva Antonio, 18 anyos na mag-aaral mula sa Caramoan, Camarines Sur.

High school days pa lamang ay nahilig na sa pagkanta si Jeva at sumasali na sa iba’t-ibang kompetisyon.

Ngunit higit sa pangarap na makilala sa larangan ng pag-awit, isang dalangin ang nais niyang matupad sa pamamagitan ng pagsali sa WISHcovery; ito ay ang makita at makilala ang kaniyang biological parents.

Hindi man nakilala ang tunay na mga magulang, masayang lumaki si Jeva sa piling ng mga taong itinuring niyang pamilya.

Kaya naman, malaki ang utang na loob niya sa mga ito.

Bagama’t hindi niya kailanman nakita, walang sama ng loob si Jeva sa kanyang biological parents.

Buo naman ang pag-asa ni Jeva na sa pamamagitan ng WISHcovery ay maabot ng kanyang tinig ang kanyang tunay na ama at ina.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Flood early warning device, ipinagkaloob sa isang bayan sa Camarines Sur

by Radyo La Verdad | June 28, 2018 (Thursday) | 16735

Laking pasasalamat ngayon ng bayan ng Canaman, Camarines Sur dahil sa natanggap nilang gamit na maaaring mapakinabang sa tuwing nagkakaroon ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.

Ang flood early warning device ay isang uri ng instrumento na nagbibigay ng malakas na hudyat sa tuwing may pagtaas ng tubig sa isang lugar.

Maliban sa Canaman, makikinabang din sa flood early warning device ang mga karatig bayan kabilang ang lungsod ng Naga, Camaligan at Cabusao, Camarines Sur na kabilang sa Bicol River Basin at ilan sa mga flood prone area.

Base sa Marines Polytechnic Colleges Foundation, ang Barangay Mangayawan sa Canaman ang unang unang barangay na nakararanas ng pagtaas ng tubig baha sa tuwing may pag-apaw ang Bicol River Basin kaya dito nila inilagay ang instrument.

Ang instrumento ay nagkakahalagang P40,000 at sa susunod na linggo darating naman sa Canaman ang karagadagang kagamitan na general alarm device na magagamit sa iba’t-ibang uri ng sakuna maaaring maranasan ng isang lugar.

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News