Lalaking humingi ng tulong sa programang Mr. Public Service, napagkalooban ng munting negosyo

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 10276

walkman mr public service

Lumapit si Mr. Pedro Velez, Jr., 41, sa programang Mr. Public Service ni Kuya Daniel Razon upang humingi tulong para matugunan ang kanyang pangangailangan lalo pa’t wala siyang hanap buhay.

Nakapanayam siya live on air sa programa upang doon maipaabot niya ang kanyang mga kahilingan. Dito rin niya isinalaysay kung paano niya nalaman na ang Radyo La Verdad ay tumutulong sa mga mahihirap nating kababayan. Ayon kay Mang Pedro, may napulot siyang lumang walkman habang siya ay nangangalakal ng basura upang pagkakitaan. Nang nilagyan niya ito ng baterya at maliit na lumang speaker ay gumana ito, at eksaktong nakapihit na ang walkman sa 1350 AM Band o UNTV-RADIO, kaya narinig agad niya ang programang Ang Dating Daan ni Bro. Eli Soriano. Dito nagtuloy-tuloy na ang kanyang pakikinig sa radyo.

Makalipas lamang ang isang linggo, natupad ang kanyang kahilingan, ipinagkaloob sa kanya ng programang Mr. Public Service ni Kuya Daniel Razon ang mga panindang magpasisimulan ng kanyang bagong hanap buhay.

Tags: , , , , ,