Lalaking hirap sa paghinga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Bulacan

by Radyo La Verdad | August 5, 2015 (Wednesday) | 2265

TMBB BULACAN
Isang tawag ang natanggap sa hotline ng UNTV News and Rescue Team hinggil sa isang lalakeng nahihirapang huminga pasado ala-una kaninang madaling araw.

Agad pinuntahan ng grupo ang bahay nito sa Barangay Kapitangan sa Paombong, Bulacan at nadatnan roon ang singkuwenta’y sais anyos na si Marcelito Jumaquiao na nanghihina na dahil sa patuloy na pagsusuka.

Ayon sa anak nitong si Marvin, may sakit na diabetes ang matanda, nahihilo at hindi na makakilos ng maayos dahil sa panghihina ng katawan.

Agad naman siyang tinulungan ng grupo na maisakay sa rescue mobile upang maihatid sa pinakamalapit na ospital.

Binigyan din siya ng oxygen upang makatulong sa kanyang paghinga habang nasa biyahe.

Pagdating sa Bulacan Medical Hospital sa Malolos ay agad idiniretso ang lalaki sa emergency room upang isailalim sa gamutan.

Nagpasalamat naman ang anak nito sa tulong ng UNTV.

Sa ngayon ay bumuti na ang lagay ng lalaki at nagpapagaling na sa kanilang bahay.(Nestor Torres/UNTV News)

Tags: