Lalaking binato ng bote sa Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 11, 2018 (Thursday) | 8199

Duguan ang ulo ni Christian Lloyd Yulo ng datnan ng UNTV News and Rescue Team sa Bacolod City Police Station 1, pasado alas dose kagabi.

Ayon kay Yulo, naglalakad sila pauwi ng kanyang barkada galing sa Masskara Festival ng bigla umanong siyang binato ng bote.

Nagtamo ng bukol at sugat sa ulo ang biktima na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue. Tumanggi nang magpatahid sa ospital si Yulo matapos lapatan ng first aid.

Nakaupo sa gilid ng kalsada at sugatan si Ronald Sarsalijo ng datnan ng UNTV News and Rescue Team pasado alas diyes kagabi.

Ayon kay Sarsalijo, nabangga ng isang motor ang kaniyang motorsiklo.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue ang mga sugat ng biktima at pagkatapos nito ay dinala siya ng grupo sa Talisay District Hospital.

Wala namang tinamong sugat ang driver ng nakabanggaang motor.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino sa dalawang motorcycle rider ang may pananagutan sa aksidente.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,