Lalaking biktima ng pambubugbog sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 26, 2016 (Monday) | 1194

grace_tmbb
Inabutan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalakeng duguan sa Station 7 ng Baguio City Police Office alas onse kuwarentay singko ng gabi noong Sabado.

Ang biktima ay nakilalang si Johele Fidel, bente kuwatro anyos residente ng Purok Singko Loakan, Baguio City.

Ayon kay Johele naglalakad siya sa isang overpass sa Maharlika Highway sa Brgy. Magsaysay at pauwi na sa kanilang bahay nang may lumapit sa kanya na isang grupo ng mga lalaki at bigla na lamang siyang pinagsusuntok.

Nagtamo ito ng mga pasa sa mukha na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Matapos malapatan ng pang unang lunas ang biktima ay dinala na ito sa Baguio General Hospital upang mabigyan ng karagdadag medikal na atensyon.

Inaalam naman ngayon ng mga Baguio City Police ang pagkakakilanlan ng mga nambugbog sa biktima.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: ,