Lalaking biktima ng motorcycle accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | September 18, 2017 (Monday) | 2718

 

Nakahandusay pa sa kalsada ng datnan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking sugatan matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang SUV sa Commonwealth Ave., mag-aalas onse kagabi. Kinilala ang biktima na si Rodemel Honguay, quarenta y dos años.

Ayon kay Ruth Asis, driver ng SUV, may nagbanggaan sa unahan niya kaya siya napahinto. Ilang sandali pa ay bigla na lang umanong sumalpok ang motorsiklo ni Rodemel sa likuran ng kaniyang sasakyan, dahilan para tumilapon ito mula sa kanyang motorsiklo.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa kwento naman ng kasama ng biktima, galing sila sa kasiyahan at pauwi na sana ng bahay nang mangyari ang aksidente.

Matapos lapatan ng first-aid ang biktima, agad itong isinugod ng UNTV Rescue sa East Avenue Medical Center para sa karagdagang atensyong medikal.

 

(Macky Libradilla/ UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,