Lalaki patay, matapos masagasaan ng tren sa España station

by Radyo La Verdad | September 20, 2017 (Wednesday) | 3816

Patay ang isang lalaki, matapos na masagasaan ng tren sa bahagi ng España station sa Maynila.

Ayon sa mga saksi, tumatawid ang biktima sa riles suot ang kanyang headest kaya’t hindi nito napansin ang paparating na tren.

Ayon sa pamununuan ng Philippine National Railways, nakalakad umano ng tren ang lalaki ng halos 150 meters at agad itong idineklarang dead on the spot.

Sa ngayon ay wala pang ibinibigay na impormarsyon ang PNR hinggil sa pagkakakilanlan ng biktima, pero tinaayang nasa edad 25 hanggang 30 umano ito.

 

 

 

Tags: , ,