Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos na tumangging tumayo habang inaawit ang pambansang awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang” sa isang sinehan sa Clark, Pampanga.
Sa facebook post ni Charge d’ Affaires ng Philippine Embassy to Iraq Elmer Cato na manunuod din ng pelikula sa lugar, dalawang beses umano niyang sinita ang lalaki ngunit hindi umano ito natinag.
Ayon sa opisyal, kumulo ang kaniyang dugo kaya pagkatapos ng pelikula ay agad na ipinaaresto ang lalaki na kinilalang si Beyle Einstein Gonzales, beinte anyos.
Dahil ito sa paglabag sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines kung saan maaari siyang pagmultahinng hindi lalampas sa 20,000 piso at tumagal sa kulungan ng hindi lalampas sa isang taon.
Itinanggi naman ng lalaki ang akusasyon ni Cato.
Tags: Lupang Hinirang, nakulong, Pampanga