Lakas ng hukbong sandatahan ng China, walang planong tapatan ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | March 31, 2016 (Thursday) | 2865

PUBLISH-ASIA
Humarap si Pangulong Benigno Aquino the third kahapon sa ilang mamamahayag mula sa ibang bansa sa Asya sa Publish Asia 2016 na isinagawa sa Maynila.

Natuon ang mga tanong sa isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Aquino, sa nakaraang mga taon ng kaniyang panunungkulan ay sinamantala niya ang mga pagkakataon sa mga ginanap na Association of Southeast Asian Nations Summit upang isulong ang mapayapang resolusyon sa usapin ng West Philippine Sea.

Nilinaw ng Pangulo na walang plano ang pilipinas na tapatan ang lakas ng China pagdating sa mga kagamitang pandigma.

Sa kabila nito, naniniwala ang Pangulo na kailangan na palakasin ang kakayahang pangdepensa ng Pilipinas.

Sinabi rin ng Pangulo na ang isyu sa West Philippine ang isa sa mga prayoridad niya na malutas dahil sa epekto nito sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,