Lakas-CMD, inatras na ang suporta kay Mayor Baldo sa 2019 elections

by Jeck Deocampo | January 7, 2019 (Monday) | 3317

ALBAY, Philippines – Binawi na ng partido Lakas-Christian-Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang suporta nito sa kandidatura ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo sa  pagka-alkalde sa May 2019 elections

Sa isang press release mula sa partido, sinabi ng mga ito na kanila na ring ni-revoke ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng alkalde na isinumite sa Commission on Elections (COMELEC) kasabay ng paghahain nito ng kandidatura

Naipaabot na rin nila tungkol dito sa law department ng Commission on Elections (COMELEC) gayundin sa provincial election supervisor ng Albay at municipal election officer ng Daraga.

Ayon sa partido, naabot nila ang desisyon na ito matapos na pangalanan ng Philippine National Police si Mayor Baldo bilang mastermind sa pagpaslang kay Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe. Alinsunod anila ito sa kanilang commitment para sa isang tapat, malinis at mapayapang halalan

Ayon naman sa COMELEC, bagaman binabawi na ng Lakas-CMD ang suporta at naisumiteng CONA para kay Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay, hindi ito nangangahulugan ng disqualification. Maaari pa rin itong tumakbo bilang independent candidate basta’t makakasama ito sa ilalabas nilang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa May 2019 elections.

Sa ngayon ay sinusubukan pa ng UNTV News and Rescue na kunin ang pahayag ni Mayor Baldo tungkol sa isyu.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , , ,