Laguna Lake Development Authority Gen. Manager Nereus Acosta, hinatulan ng Sandiganbayan ng pagkakakulong dahil sa kasong graft

by Radyo La Verdad | March 28, 2016 (Monday) | 1328
(Photo credit: Official Facebook Page of Dr. J.R. Nereus "Neric" Acosta)
(Photo credit: Official Facebook Page of Dr. J.R. Nereus “Neric” Acosta)

Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan si Presidental Adviser on Environmental Protection at Laguna Lake Development Authority Nereus Acosta sa kasong graft.

Anim hanggang sampung taon na pagkakakulong ang naging sentensya ng korte sa kanya.

Kaugnay ito ng umano’y maanomalyang paggamit ng kanyang 5.5 million pesos na Priority Development Assistance Fund noong congressman pa siya ng municipality ng Manolo Fortich, Bukidnon taong 2002.

Sinasabing nagkaroon ng indirect financial o material interest si Acosta nang inilagay nito ang kanyang PDAF sa NGO na Bukidnon Vegetable Producers Cooperative kung saan siya mismo ay incorporator kasama ang kanyang ina na si Socorro Acosta na siya namang mayor ng Bukidnon.

Sinensyahan din ng pagkakakulong ng korte si Socorro Acosta dahil siya aniya ang nagpahintulot na magamit ang pondo ng NGO sa kanyang nasasakupang munisipalidad.

Sa naging desisyon ng Sandiganbayan, sinabi nitong walang memorandum of agreement sa pagitan ng munisipalidad at ng NGO para sa nasabing proyekto. Wala rin aniyang any form of communication sa Department of Budget and Management para sa dito.

Ayon naman kay Nereus Acosta, ikinagulat nila ang desisyon ng 4th division gayong inabswelto naman siya sa tatlong counts pa ng graft sa kaparehong kaso.

Aniya, maaaring dahilan dito ang pagpapalit ng mga mahistradong humahawak sa kanyang kaso matapos magkaroon ng reshuffling sa korte.

Iaapela pa nila aniya ang desisyon ng korte at maghahain mg motion for reconsideration sa naging desisyon ng Sandiganbayan.

Kanina ay nagbayad na rin siya ng bail bond na 30 thousand pesos upang masiguro ang kanyang temporary liberty habang inaapela pa nila ang desisyon.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,