Labor Sec. Baldoz, pinagbibitiw ng mga militanteng grupo

by dennis | May 21, 2015 (Thursday) | 3891
DOLE Sec. Rosalinda Baldoz (File photo: UNTVweb.com)
DOLE Sec. Rosalinda Baldoz (File photo: UNTVweb.com)

Pinagbibitiw sa pwesto ng mga militanteng grupo si Labor Sec. Rosalinda Baldoz dahil sa ipinahayag nito na pasado sa labor standards ang Kentex samantalang ang mga manggagawa nito ay sumasahod ng mababa sa minimum wage, walang SSS, at iba pang benipisyo para sa mga manggagawa.

Nagsagawa ng kilos-protesta ang Union Presidents Against Contractualization (UPAC) at Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang humingi ng hustisya para sa mga namatay sa nasunog na pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City.

Ayon sa UPAC, dapat managot ang may-ari ng Kentex Manufacturing dahil sa hindi makatarungang pamamalakad sa kanilang mga empleyado lalo na ang hindi pagsunod sa mga nabanggit na labor standards.

Tinututulan din nila ang Department Order 18-A o ang contractualization system na ipinatutupad sa ibat ibang ahensya at kompanya dahil ito ay unti-unting pumapatay sa mga ordinaryong manggagawa.(Macky Libradilla/UNTV Radio)

Tags: , , , ,