METRO MANILA – Makalipas ang 3 pagdinig, nakikiusap na ang mga labor group sa House Committee on Labor and Employment na magdesisyon na kaugnay ng mga panukalang taasan ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa pribado at pampublikong sektor.
Nasa P150 hanggang P750 kada araw ang proposed legislated wage hike na inihain sa House of Representatives.
Samantalang sa Senado, pasado na ang P100 dagdag sahod sa minimum wage.
Gayunman, iginiit ng House Committee on Labor and Employment, kinakailangan pa ng dagdag na datos mula sa stakeholders kaugnay ng mga panukalang inihain para sa umento sa sahod.
Hindi pa rin tiyak kung madedesisyunan ito ng komite sa susunod na Linggo.
Samantala, nagpulong naman ang national wages and productivity commission noong nakalipas na Lunes upang talakayin ang kanilang hakbang kaugnay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na repasuhin ang minimum wage rites sa buong bansa.
Tags: labor group, Wage Hike