Labor groups naghain ng reklamo vs. MMDA Chairman Francis Tolentino kaugnay ng palabas ng Playgirls sa isang LP event

by Radyo La Verdad | October 7, 2015 (Wednesday) | 5742

mmda-tolentino
Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang labing-dalawang labor groups at isang private complainant laban kay Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Francis Tolentino.

Ayon sa grupo, dapat makasuhan ng Administrative and Criminal cases si Tolentino dahil sa paglabag sa Magna Carta of women at R-A 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.

Kaugnay ito ng umano’y malaswang palabas ng grupong Playgirls sa isang birthday party sa Laguna matapos ang oath taking ceremony ng ilang bagong miyembro ng Liberal Party noong October 1.

Giit ng grupo, isang uri ng exploitation, discrimination at pang-aabuso sa mga kababaihan ang nangyaring palabas.

Nanawagan rin ang labor groups na itaas ng mga pulitiko ang antas ng pangangampanya sa bansa nang hindi gumagamit ng mga katulad na gimik upang makakuha lamang ng boto.

Tags: ,