Ipinahayag ni Labor Department Secretary Silvestre Bello The third na target ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang kontraktwalisasyon sa bansa sa taong 2017.
Ayon sa kalihim, binigyan niya ng deadline hanggang sa katapusan ng Agosto ang mga regional directors ng Department of Labor and Employment na mag-inspeksyon sa lahat ng establisyemento sa bawat rehiyon.
Pinagsusumite rin ang mga ito ng ulat kung anu-anong kompanya ang nagpapatupad ng kontraktwalisyon o mga nagha-hire ng mga empleyado sa loob lamang ng limang buwan upang pagkaitan ang mga ito ng nararapat na benipisyo at tamang pasahod.
Dagdag pa ng kalihim, asahan ng mga kumpanyang mapapatunayang hindi susunod sa tagubilin ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng no-contractualization policy na maipasara at alisan ng permisong makapag-operate.