Labor code, dapat amiyendahan kaugnay ng isyu ng kontraktwalisasyon– DOLE

by Radyo La Verdad | August 18, 2016 (Thursday) | 1994

villanueva
Sinimulan nang siyasatin ng Dept. of Labor and Employment ang mga industriya at negosyong nagpapatupad ng contractualization sa kanilang mga empleyado.

Kabilang dito ang mga hotel, restaurant, mall, manufacturing industry, agricultural plantation.

Sa pagdinig ng senado, sinabi ni Labor Undersecretary Joji Aragon na nais nilang maaamyendahan ang labor code dahil maraming butas sa depenisyon at implementasyon ng kontraktwalisayson.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, Chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, hinihingi niya sa pangulo na i-certtify as urgent ang panukalang batas upang amyendahan ang labor code.

Binigyang linaw naman ng senador hindi nila nais na wakasan ang sistema nito, kundi bigyan ng klarong limitasyon ang kontraktwalisasyon.

Nais rin ng DOLE na bigyan ng ngipin ang labor code dahil sa ngayon ay walang nakalagay na probisyon na penalty sa mga lumalabag na industriya sa batas.

Sa ngayon habang isinagawa ng DOLE ang inspeksyon sa mga umano’y lumalabag sa labor code, patuloy rin nilang pinagaaralan ang ilan pang pwedeng amyendahan upang mabigyan ng security of tenure at tamang mga benepisyo ang mga mangagagawa.

Nilinaw ni Sen Joel Villanueva na hindi layunin ng senate inquiry na ipatigil ang paglago ng mga negosyo at pataasin ang unemployemnt sa bansa, kundi ayusin lang ang sistem ng employment upang mas marami pang trabaho ang mabuo, at mabigyan ng magandang working conditions ang mga mangagagawa.

(Joyce Balancio/UNTV Radio)

Tags: ,