Nagsagawa ng forum ang embahada ng Pilipinas sa Moscow, Russia noong Linggo kung saan napag-usapan ang estado ng labor issues ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Russia.
Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, nasa pag-uusap pa rin ang labor bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Russia. Kailangan din aniya na makumbinsi ang Russian Government sa skills ng mga Filipino workers.
Samantala, nilinaw din ni Vice Consul Jeff Valdez na walang legal domestic work sa Russia liban sa mga employed ng mga diplomats.
Kasabay nito, masaya namang ibinalita ng ambassador ang mga naging developments ng kanilang pakikipagpulong sa iba’t-ibang sekta sa Russia gaya ng sa security defense relations. May dala siyang mga resulta ng pag-uusap nila ni Presidente at ni Presidente Putin.
Sa ngayon ay patuloy ang pagpopromote ng embahada ng Pilipinas sa mga produkto at kultura ng mga Pinoy. Ayon sa embahada, aabot sa anim na libong Pilipino ang kasalukyang nagtatrabaho sa Russia kung saan karamihan sa mga ito ay mga domestic helpers.
( Ronald de Guzman / UNTV Correspondent )
Tags: labor issues, Pilipinas, Russia