Bumisita si Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano sa Russia nitong ika-14 hanggang ika-15 ng Mayo.
Layon ng pagpunta ng kalihim sa Moscow ay mapagbuti pa ang relasyon ng Pilipinas at Russia. Nakipag pulong ang miyembro ng Philippine delegation sa kanilang Russian counterparts.
Ayon kay Cayetano, napag-usapan sa kaniyang pagbisita sa Russia ang pagbuo ng isang labor agreement sa pagitan ng dalawang bansa na layong matulungan ang mga Filipino workers sa naturang bansa.
Sinabi ng kalihim na positibo ang naging sagot ni Russian Foreign Minister Sergey Lavrov dito. Nakipagkita rin ang kalihim sa Filipino community sa Russia.
Pinasalamatan din ni Cayetano ang gobyerno ng Russia dahil sa mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pilipinas.
( Ronald De Guzman / UNTV Correspondent )
Tags: labor agreement, Pilipinas, Russia